TAHAN
Pumara ka't sumakay ng taxi.
Nagsimulang umagos ang pighati
Init na nanunuot sa magkabilang pisngi;
Pagdaloy na hindi mapatid-patid.
Nagtanong ang drayber.
Pamilyar ang kaniyang mukha
Kahit pa pinalalabo ng luha ang mga mata.
Hindi mo masumpungan ang sariling tinig.
Pagmulat mo'y nasa harap ka ng tahanan.
Gaan sa pagitan ng pag-aagam-agam.
Niyakap ka niya nang ubod nang higpit:
Yakap na bukod sa ina, sa kaniya mo lamang
Tanging nararamdaman.
Doon mo nasumpungan ang pagtahan.
Comments
Post a Comment