Alegorya ng Dunong
Malalagot ang kamay ng sinumang bubuhat sa pinakamabigat na tanong: paghahagilap sa dunong at pagpapanday ng pagbabago. Bata pa lamang tayo, sinanay na tayo nina nanay at tatay, o kung sinumang kasama sa bahay na huwag na huwag makikisali sa usapan ng matatanda. Gubat itong di mo dapat panghimasukan. Umakto batay sa edad! Pagdating ng tamang panahon, mauunawaan mo rin ang lahat! Ngayong malaki ka na, naganap ba ang babala? Tutuklasin mo ang kayraming hiwaga ng mundo sa serye ng mga pagkakamali. Kung may sugatang tuhod, saka mo lamang Maaalalang ang pagluhang lubos ay nakalulunod. Kung may di maunawaan sa aralin, o bagsak na marka, saka mo sisisihin ang di pagtulog nang maaga. Kung may duguang puso, sasabihin mo, sana di mo ibinigay nang buo. Ganito ang sumpa ng karunungan. Minsan, hindi rurok ng bundok ang hangganan ng lahat. Simula pa lang ito ng sala-salabid na pakikibakang kailangang pakalagpasan. Mabigat sa dibdib at balikat ang katotohanan. Hindi ito para sa lahat. Piring sa ...